TRAPO minsan basahan, minsan tao. Nangangahulugang basahan, panlinis ng maruruming bagay. Kalaunan, naging tawag na rin sa mga TRAditional POlitician, kilala sa pagpapasa-pasa ng posisyon sa magkakapamilya, katiwalian, at pagkukunwaring mahal nila ang mahihirap.